Monday, May 08, 2006

[tula] sayaw ng dahon, andoy castellano, 8 May 2006

sayaw ng dahon
andoy castellano, 8 May 2006

Sa gitna ng ingay
sa lansangang mainit
ang mga dahon ay nagsasayaw

mumunting buhawing mula sa lagas na luntian
nagbibigay korte sa ihip ng hangin
nagbibigay kulay sa init ng umaalingasaw

luntiang alaala ng buhay
unti-unting natutuyo
sa horno ng batong kagubatan

--
--andoy
8 May 2006

1 comment:

blackrose said...

tunay ngang nakatutulig
nagtutumuling nangsisibusina sa tirik na araw
ni wala nang luntiang mabanaagan
malagkit ang hanging dumarampi sa pisngi
paparating na nga yata ang delubyo sa ating panahon