Wednesday, May 03, 2006

[tula] Beer House Classic, Andoy Castellano, 3 May 2006

Beer House Classic
andoy castellano, 2 May 2006

Tutulog na lang at nakahiga
sa kama sa cuartong madilim
habang ang boses
ng lasing sa pondohan
sa kanto sa baba ng gulod
ay nagsisisigaw ng pilit na abuting
"Bed of Roses"

Ikot ako ng ikot
sa init ng katre, ng dingding,
ng hanging galing sa ventilador
Hindi mapakali sa
tililing ng walang pangalan,
walang katawan,
walang karapatang tinig
Hindi ko alam kung magsisisigaw din ako
sa galit sa pag-aalipusta
sa magandang katahimikan ng gabi
O sa kapangahasan ng
baliw sa kalasingang kanta

Sa kapuyatan kong ito
ay hindi ko alam kung
ako'y nagngingitngit sa galit
O mauuutot sa katatawa
sa walang humpay na parusa
sa isang beer house classic

-=0=-

First posted with the Pinoy Poets yahoo groups.

--
--andoy
3 May 2006

No comments: