Sunday, May 07, 2006

[tula] Inglis Brosia (Pasintabi kay Pol Medina), Andoy Castellano, 7 May 2006

Inglis Brosia
(Pasintabi kay Pol Medina)
Andoy Castellano, 7 May 2006

"...tandaan mo lang na 'byuti is onli iskin deep'...
sa tagalog, ang masarap lang sa lechon e 'yung balat."
-- Brosia, Pugad Baboy ni Pol Medina, Jr.

Pinaghalong kalamay ang mga katagang nauso na ng tuluyan
Kalokohang nadampot sa bawat bukas ng bunganga
"butter knife" ang tawag sa asawang nabubugbog
toyong mukhang imported ay "Kikkorin"
tsokolate naman ay "Toblerin"
"apple pie" orig naman at gawa sa sayote
at turon pinangalangang "Banana Langka Pie"
Sa lalaking hindi makapagpasya:
"wake up your mind"
sa babaeng tumitingin sa paninda payo naman ay:
"chicken out"
Nahawa na pati Atenistang sosyal-jologs: "may tama ka!"
at isa pang usong salin: "maliwanag at kasalukuyang panganib"

Habang binabasa ang librong komiks
hagalpak sa tawa ang kanina lang na tahimik
na nakaupo sa isang sulok
Nagagalak at umiiyak na parang baliw
sa katotohanan ng pinagtatawanan
pangkasalukuyang panahong
saling inglis-pilipino at pilipino-inglis

--
--andoy
7 May 2006

No comments: