Saturday, April 15, 2006

[SHARE] May Batang Umiiyak Habang Kumakain ng Pancake, Edwin Padillo

May Batang Umiiyak Habang Kumakain ng Pancake
Edwin Padillo

Umaalat kasi ang lasa ng pancake gayung itlog, arina at gatas lamang
ang laman nito. Paano kasi habang niluluto ni Aling Josie, umiiyak ang
anak.

Iniwanan sa daan ng kasintahan. Naki-angkas kasi walang pamasahe o
wala lang talagang sariling masasakyan. Nuong nakita ng may-ari ng
sasakyan, tinadyakan pa sya nito kasama ng ina pababa.

Kaya ngayon umiiyak ang anak mula nang inihanda, niluto at inihain ang
pancake. Tuluyang umalat ang lahat.

Hindi maibsan ng hikbi ang pagtangis ng ina para sa anak, anak sa ina.
Hindi maitanging ang alat pala'y pumapait sa kalaunan.

Kaya walang tigil ang pag-iyak ng anak. Habang ginagamot ng pagkain ng
pancake ang puso niyang nasugatan sa pag-angkas sa kakarag-karag na
sasakyan.

-=0=-

This was first posted in the Pinoy Poets Yahoo groups.

--
--andoy
15 April 2006

No comments: