Friday, February 03, 2006

[POEM] isang pintig ng alaala,andoy castellano, 3 February 2006

isang pintig ng alaala
andoy castellano, 3 February 2006

sa bawat kisap ng laman
nararamdaman at naiipit
ng ala-alang nararanasang muli
at humihinto ang panahon, mundo, mga tao at sasakyan
habang ninamnam
ang nakaraan
bago tumawid ng daan

sa pagpikit ng mata
biglang buhos ng mga sandaling pagkabilis-bilis
dala'y lahat ng tibok at pintig
ahon at alon
ng dagat, kidlat at ulan
sa gitna ng dilim
sa harap ng salamin
isang baha ng emosyon dala ng bagyong umaanod
at nagpapanumbalik ang halimuyak at lasa
ng tamis ng nectar ng gumamelang sinisipsip ng bata

at pagpatuloy ng kasalukuyan
dumadagundong ang puso
sa lakas ng ingay ng ungol
ng nakalipas

at nawalan ng saysay ang init ng araw
ingay ng sasakyan, at rami ng mga taong
tumatawid ng daan

--

There are days when you just space out.

--andoy
3 February 2006

2 comments:

Cielo said...

Whoops... my earlier comment was supposed to be for this one -- wrong mouse click! ^_^;;

Yeah... spacing out...

Andoy Castellano said...

hehehe
I can't choose when I space out. It just happens. hahaha