Friday, February 03, 2006

[POEM] isang pintig ng alaala,andoy castellano, 3 February 2006

isang pintig ng alaala
andoy castellano, 3 February 2006

sa bawat kisap ng laman
nararamdaman at naiipit
ng ala-alang nararanasang muli
at humihinto ang panahon, mundo, mga tao at sasakyan
habang ninamnam
ang nakaraan
bago tumawid ng daan

sa pagpikit ng mata
biglang buhos ng mga sandaling pagkabilis-bilis
dala'y lahat ng tibok at pintig
ahon at alon
ng dagat, kidlat at ulan
sa gitna ng dilim
sa harap ng salamin
isang baha ng emosyon dala ng bagyong umaanod
at nagpapanumbalik ang halimuyak at lasa
ng tamis ng nectar ng gumamelang sinisipsip ng bata

at pagpatuloy ng kasalukuyan
dumadagundong ang puso
sa lakas ng ingay ng ungol
ng nakalipas

at nawalan ng saysay ang init ng araw
ingay ng sasakyan, at rami ng mga taong
tumatawid ng daan

--

There are days when you just space out.

--andoy
3 February 2006

SHARE: ga-daliring kaligayahan, jen macapagal, 02/03/06

ga-daliring kaligayahan
jen macapagal, 02/03/06

singhaba ng gitnang daliri
ang kaligayahang natatamo
ng aking katabi- ngayon -
ko natanto na wala sa [sukat
ng] haba ng panahon
ang pag-iibigan, pagtitinginan,
(maging) ang paglalandian
upang masuma ang kahalagahan
ng isang ga-daliring kaligayahan.

--
Posted with the Pinoy Poets yahoogroups.

--andoy
3 February 2006

SHARE: Kung Paano Kita Naisulat Sa Aking Katawan, gracia perdiguerra,020206

Kung Paano Kita Naisulat Sa Aking Katawan
gracia perdiguerra, 020206

(pasintabi kay Jeannette Winterson)

Tumutulay ako sa mahabang linya
ng salitang itinutulak ng daliri

mula sa laman ng aking laman

iniuukit ang ikaw sa kamalayang
nananalamin sa magkadaop na dibdib

tinatahi ang dilang maglalapit

sa kaluluwa, sa pagtatalik ng diwa
at malayang pag-iisa sa ating kalawakan.

--

Reminds me of "Undertones".

--andoy
3 February 2006

SHARE: You Fit Into Me, Margaret Atwood

You Fit Into Me
Margaret Atwood

you fit into me
like a hook into an eye

a fish hook
an open eye

--
This was shared as a post with the Pinoy Poets mailing group. Nice
sentiments, great sense of humor and a great way of stating the pain.

--andoy
3 February 2006

POEM: Thinking about what is unsaid, notes to self on Khalil Gibran's "The Prophet": where is "On Sex"?

One of those days when I just want to write something which means
nothing. I was having a bad day yesterday, Feb. 2.

-=0=-

Thinking about what is unsaid, notes to self on Khalil Gibran's "The
Prophet": where is "On Sex"?
Andoy Castellano, 2 February 2006

Reading and not reading
for twenty-five years
and now I wonder what did Khalil Gibran write about sex?

Not reading and scanning
it was all there:
Friendship, Love, Marriage, Children,
Giving, Clothes, Joy and Sorrow,
Freedom, Reason and Passion,
Talking, Time, Pleasure, Beauty,
Prayer, Religion, Death
The Farewell

Reading but not learning
I gasp and sigh.

-=0=-

--andoy
3 February 2006